OFW na nakuryente uuwi na

MANILA, Philippines - Nakatakda nang umuwi sa bansa ang overseas Filipino worker (OFW) na nakuryente noong 2010 sa Saudi Arabia.

Si Alfredo Salmos, 52, tubong Nueva Ecija ay inaasa­hang darating na sa susunod na linggo mula Jeddah matapos na maantala ang pag-uwi sa bansa dahil sa kakulangan ng exit clearance mula sa kanyang amo.

Si Salmos ay na-comatose at naratay sa ospital sa Saudi ng ilang buwan matapos na makuryente at natigil sa trabaho dahil sa nasabing insidente. Nag-iwan ng mga peklat at iniinda pa rin nito ang kanyang mga tinamong sugat sa katawan.

Ayon kay Salmos, aksidenteng nadikit siya sa may 14,000 volts breaker nang tangkain nitong i-shut down o patayin.

Show comments