'Akbay Kapwa' 2012 gaganapin ngayon

MANILA, Philippines - Pangungunahan ngayong araw na ito nina Presidential Communications Operations Office (PCOO) Herminio “Sonny” Coloma at Social Welfare and Development Secretary Corazon “Dinky” Soliman ang pamimigay ng serbisyo publiko sa 3,000 maralitang taga-lungsod sa gaganaping “Rights Holders Congress” at “Akbay Kapwa 2012” sa Cuneta Astrodome, Pasay City simula ika-8 ng umaga.

Ang kaganapan ay bilang paggunita rin sa United Nations (UN) International Day of the Family. Makikipagtulungan din ang Rotary Club 3780 sa naturang okasyon.

Si Coloma, na siyang panauhing pandangal, ay magbibigay ng pambungad na talumpati. Si Soliman naman ang keynote speaker. Si Pasay City Mayor Antonio Calixto ang magsasalita ng welcome message.

Show comments