Kanser sa oral sex

MANILA, Philippines - Nakaka-kanser umano ang pakikipagtalik sa pamamagitan ng oral sex sa kanilang ka-partner o asawa na may “genital warts”.

Sa Senate Resolution No. 758 ni Senator Miriam Defensor-Santiago, tinukoy ang ulat ng Philippine Medical Association (PMA) at Philippine Dental Association (PDA) na nagsasabing mas malaki ang posibilidad na magkaroon ng kanser ang isang nakikipag-oral sex kaysa mga umiinom ng alak o naninigarilyo.

Siyam na beses din umanong mas mataas ang tiyansa na magkaroon ng kanser sa tonsil, lalamunan at dila ang mga taong mahigit pa sa lima ang naka-oral sex.

Sa pag-aaral ng UP Population Institute na umaabot sa 4.23 milyong Filipino na may edad 15 hanggang 24 ang aktibo na sa sex at 20 porsi­yento sa mga ito ang hindi gumagamit ng proteksiyon.

Kung pagbabatayan umano ang edad, mas malaki ang tiyansa na magkaroon ng oral cancer ang mga kabataan na aktibo na sa oral sex.

Hindi rin ligtas ang mga lalake sa oral cancer lalo na umano kung hindi gumagamit ng proteksiyon ang mga ito katulad ng condom.

Show comments