PUVs na walang markings lagot sa LTFRB

MANILA, Philippines - Parurusahan ng Land Transportation Franchi­sing Regulatory Board (LTFRB) ang mga may-ari ng mga public utility vehicles (PUVs) na hindi maglalagay ng markings sa kanilang mga sasakyan.

Sa ilalim ng Circular 2012-008, kailangang maglagay ang lahat ng PUVs ng may katagang “May reklamo ka ba? itawag sa LTFRB sa 426 2515 at 448-7777 at ito ay dapat nakalagay sa bandang kanan o kaliwa ng winshield sa mga pampa­saherong bus, UV express, tourist at shuttle services.

Ang iba namang pampasaherong sasakyan tulad ng jeep at taxi ay kaila­ngang ilagay ang naturang markings sa may hood ng kanilang sasakyan.

Nangangahulugan nito na ang katagang “hows my driving” at kaakibat nitong cellphone number ay hindi na makikita sa bahaging likod ng mga pampasaherong sasakyan at ang bagong markings na ang makikita sa mga PUVs.

Show comments