MANILA, Philippines – Nilinaw ng Commission on Higher Education (CHED) na hindi nito inirerekomendang paikliin ang mga college degree courses sa kabila ng puspusang implementasyon ng K+12 program ng gobyerno at dagdag na grade 11 at grade 12.
Ayon kay CHED Chairperson Patricia Licuanan, walang katotohanan na isinusulong nila ang degree programs. Anya, ang inisyal pa lamang na mungkahi ng technical panel ng CHED hinggil dito ay paikliin ang curriculum ng general education
Gayunman, sa ngayon anya ay pinag- aaralan pa ito ng kanilang mga lupon partikular na ang epekto ng K+12.
Binanggit naman ni Licuanan na ang engineering panel ng CHED ay nagdesisyon na maaaring gawing apat na taon lamang ang Engineering pero ang iba nilang Science Technical panel ay nagsabi nang hindi maaaring paikliin ang kanilang programa. Limang taon ang kursong Engineering sa kasalukuyan.