MANILA, Philippines - Tinanggal na ng Department of Agriculture (DA) ang pagbabawal sa importasyon ng manok at wild birds pati na byproducts nito mula sa bansang Austria.
Ayon kay DA Secretary Proceso Alcala, nalutas na ang problema sa avian influenza na nameste sa manok sa naturang bansa.
Batay sa pag-aaral ng Bureau of Animal Industry, malayo na ang posibilidad ng kontaminasyon kaya wala ng dahilan para panatilihin pa ang ban.
Iginit ni Alcala, wala ng dapat ipag-alala ang mga Pinoy sa pagpasok ng manok mula sa Austria.