MANILA, Philippines - Humina ng bahagya ang init ng panahon sa Metro Manila kahapon makaraang makapagtala ng 34.8 degree celcius na temperatura na mas mataas noong Martes na 35 degree celcius.
Ayon kay Jori Loiz, weather forecaster ng PAGASA, nananatili pa ring pinakamainit ang panahon sa Cabanatuan City sa Nueva Ecija kahapon ng alas-2 ng hapon na umaabot sa 36 degrees celcius
Sa Tuguegarao naman at Dagupan ay nakapagtala ng 35.4 init at sa General Santos City ay nakapagtala ng 35 degree celcius.
Kaugnay nito, sinabi ni Loiz na sinimulan na nilang pag-aralan kung bakit ang Cabanatuan City ang palagiang pinaka mainit ang panahon sa buong bansa.