Retired jockey nalo sa 6-digit ng PCSO-Lotto

MANILA, Philippines - Isang dating hinete ang maswerteng naging mil­yonaryo matapos mapanalunan nito ang 6 digit game draw ng PCSO-lotto nitong Abril 12, ayon kay PCSO general manager Jose Ferdinand Rojas II.

Sinabi ni GM Rojas, ang masuwerteng 71-anyos na retiradong hinete na tumama ng P1,539,419 sa 6-digit ng PCSO draw nitong Abril 12. Ipinagkaloob ni Rojas ang tseke sa dating hinete sa PCSO head office.

Ang tinamaang kumbinasyon ng dating hinete ay 6-2-7-0-8-5 na tinamaan niya sa pamamagitan lamang ng lucky pick. Araw-araw siya tumataya ng 6-digit game ng lotto ng halagang P10.

Show comments