MM, Laguna mawawalan ng kuryente

MANILA, Philippines - Mawawalan ng kur­yente sa ibat-ibang bahagi ng Metro Manila at Laguna umpisa ngayon hanggang sa Abril 15 bun­sod ng gagawing pag­kukumpuni at ‘upgrading work’ sa mga pasilidad ng Meralco.

Sa inilabas na advi­sory ng Meralco sa kani­lang Twitter account, sina­sa­bing magtatagal ng isa hanggang isa’t kalahating oras ang pagkawala ng supply ng kuryente.

Tinukoy ng Meralco ang mga lugar na magkakaroon ng brownout ngayong araw na ito ng Lunes ay sa area ng Ma­labon at Valenzuela City mula alas-4:00 ng mada­ling araw hanggang alas-5:00 ng umaga.

Sa Miyerkules (April 11) ay ang bahagi ng Sta. Rosa City, Laguna sa alas-12:00 ng mada­ling araw hanggang alas-12:30 ng madaling araw at masusundan pa ng alas-4:30 hanggang alas-500 ng umaga.

Magkakaroon din ng brownout sa April 11 sa Novaliches, Quezon City mula 9-10 ng umaga at 2-3 ng hapon.

Sa April 12 ay sa bahagi naman ng Bacoor, Cavite sa ganap na alas-12:00 ng madaling araw hanggang ala-1:00 ng madaling araw at 5-6 ng umaga.

Magkakaroon din ng brownout sa April 12 sa Project 7, Quezon City mula alas-9-9:30 ng umaga at alas-2:30 ng hapon hanggang alas-3:00 ng hapon, gayundin sa Tondo, Maynila ay magkakaroon din ng power interruption ganap na alas-9:00 hanggang 9:45 ng umaga at alas-3:15 hanggang alas-4 ng hapon.

Sa April 14 ay Mandaluyong City sa 9-10 ng umaga at 3-4 ng hapon.

at sa April 15 ay mu­ling makakaranas ng po­wer interruption ang Tondo, Maynila alas-12:00 ng tanghali hanggang alas-2:00 ng hapon.

Mawawalan ng supply ng kuryente sa April 15 ang bahagi ng Pandacan at Sta. Mesa, Maynila, Mandaluyong, San Juan at Quezon City ganap na alas-8:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga at alas-2:00 ng hapon hanggang alas-3:00 ng hapon.

Sa iba pang impormasyon ay maaaring tumawag sa customer center ng Meralco sa 16211 or 631-1111, fax nos. 1622-8554 or 1622-8556, or email address callcenter.tech.assist@meralco.com.ph.

Show comments