ABKDAmayan sa Abril 14 na

MANILA, Philippines - Magsisimula na ang paklase ng ABKDamayan sa Abril 14, Sabado sa Star office Port Area, Manila.

Ang ABKDamayan ay itinataguyod ng The Philippine Star at Pilipino Star NGAYON. Ito ay accredited ng Department of Education’s Bureau of Alternative Learning System (Deped-BALS) bilang service provider na tutulong sa mga interesadong mag-aaral na makapasa sa Deped-BALS’s Alternative Learning System’s Accreditation & Equivalency (ALS A&E) Test para makamit nila ang elementary at high diploma; at maging kuwalipikado sa kinakailangan pang antas ng pag-aaral.

Para makasama ngayong school year, humabol sa huling bahagi ng rehistrasyon sa Marso 31, Sa­bado. Magsadya sa nabanggit na tanggapan, mula ala-1 hanggang ala-5 ng hapon dala ang inyong NSO-certified birth certificate, barangay clearance, 4 pcs. 1x1 at 4 pcs. 2x2 picture na may name plate.

Sa iba pang impormasyon, tumawag sa 527-7777 loc. 128.

Show comments