PUVs ikondisyon muna bago ipasada - solon

MANILA, Philippines - Binira ng isang kongresista ang mga operator at drayber ng mga pampublikong sasakyan kabilang dito ang mga school bus na ayusin ang kanilang mga sasakyan para sa kaligtasan ng mga pasaherong sumasakay sa kanila.

Sinabi ni House Committee on Good Government and Public Accountability Chair Iloilo Rep. Jerry Trenas, na natutuwa siya sa aksyon ng gobyerno para tulungan ang mga naghihikahos na mga drayber dahil sa walang humpay na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo, pero dapat din naman nilang alalahanin ang mga sasakyan nila ay dapat nasa maayos na kondisyon para hindi malagay sa disgrasya ang mga pasahero nito.

“The plight of some 100,000 public utility dri­vers through direct subsidy and tax discounts for spare parts but at the same time urged them to reciprocate by ensuring the safety of their passengers. Apart from reckless driving, various forms of mechanical breakdown due to improper vehicle maintenance are among the leading causes of vehicular accidents, many of which have claimed the lives of many people,” sabi ni Trenas.

“Proper vehicle maintenance should be a prerequisite for securing a franchise to operate a public transport system. Public transport operators have the utmost obligation to protect the safety of their passengers,” dagdag nito.

Hinimok ni Trenas ang government transport regulatory agencies para marebisa sa lalong mada­ling panahon ang safety regulations para matiyak ang kaligtasan ng riding public.

Show comments