MANILA, Philippines - Sigurado na umanong maipapatupad ang paghahati ng lalawigan ng Camarines Sur.
Sa pagdinig ng Se nate committee on local government na pinamumunuan ni Sen. Bongbong Marcos, tiniyak ng mga Kongresista na wala nang magiging sagabal pa para sa implementasyon sa panukalang hatiin ang lalawigan at itatag ang province of Nueva Camarines.
Ikinatwiran ni Camarines Sur Cong. Arnulfo Fuentebella na suportado sila ng mayorya ng local leaders sa lalawigan.
Tinukoy nito na sa 5 kongresista, 4 na kongresista ang sumusuporta sa panukala, 23 mayors sa kabuuang bilang na 36 mayors, 195 councilors gayundin mayorya ng mga barangay officials
Patunay lamang aniya ang pagdalo ng mga local leaders sa isinagawang pagdinig bilang pag suporta sa panukala.
Ang pagdinig ng komite ay alinsunod na rin sa House Bill no. 4820 na lumilika ng Nueva Camarines.
Katwiran pa nito na nakapag-comply na rin sila sa kinakailangang requirements sa ilalim ng local government code gayundin sa itinatadhana ng konstitusyon para sa paglikha ng panibagong lalawigan
Sinabi pa ng Kongresista na ang Nueva Camarines ay kikilalanin bilang first class province na kung saan tinitiyak na magkakaroon ng napaka laking income ang lilik haing lalawigan.
Ikinatwiran naman ni 3rd district Camarines Cong. Luis Villafuerte na tunay ngang napakahirap i-manage ang napakalaking lalawigan kaya’t makatwiran lamang ang nasabing mungkahi.
Sa panig naman ng Comelec, tiniyak nito na may nakalaang silang pondo sakaling magkaroon ng special election o plebesito sa paghahati ng Camsur. Kukunin ang pondo mula sa savings na nakalaan sa ipinag-palibang ARMM elections.
Una rito, nagkasagutan ang mag-amang Cong. Villafuerte at Camarines Sur Gov. Elray Villafuerte kaugnay sa panukalang paghahati ng kanilang probinsiya.
Hindi pabor si Gov. Villafuerte sa isinusulong ng kaniyang ama na hatiin ang Camarines Sur at magbuo ng isa pang probinsiya.