House bill vs 'no permit, no exam' aprubahan na!

MANILA, Philippines – Nanawagan si Kabataan Rep. Raymond Palatino kahapon sa Senado na aprubahan na ang panukalang pagpaparusa sa mga eskuwelahan na hindi magbibigay ng exam sa kanilang mga estudyante na hindi nakabayad ng matrikula.

Sinabi ni Palatino na marami pa rin siyang natatanggap na reklamo mula sa mga estudyante na hindi umano pinag-e-exam dahil hindi nakakabayad ng tuition.

Inaprubahan na ng Kamara ang House bill 4791 o ang pagbabawal sa “no permit no exam” policy kung saan magmumulta ng P50,000 ang mga eskuwelahan na lalabag.

Giit ni Palatino na labag din ang “no permit, no exam” sa ilalim ng section 99 article 20 ng Manual of Regulations for Private Higher Education Institutions.

Nakasaad umano sa manual na walang tertiary schools na hindi magbibigay ng final exam sa estud­yante dahil hindi pa ito nakakabayad.  

Show comments