PAGASA chief nagretiro na

MANILA, Philippines - Nagbitiw na si Undersecretary Graciano Yumul Jr. sa PAGASA na tinanggap naman ni DOST Sec. Mario Montejo. Sinabi ni Sec. Montejo, nagbitiw si Yumul matapos magdesisyon ito ng optional retirement dahil sa personal na dahilan. Si Yumul ay may 28 taon na sa public service. Papalitan siya ni Amelia Guevarra.

Pinasalamatan ni Yumul ang mga tauhan sa ginawang pagsuporta ng mga ito sa kanya sa ahensiya.

Si Yumul ang pumalit noon sa puwesto ni dating PAGASA Chief Prisco Nilo na inalis sa trabaho ni Pa­ngulong Noynoy Aquino dahil sa hindi nagustuhang pag-aanunsyo ng update sa mga kalamidad sa bansa laluna ng bagyo. (Rudy Andal/Angie dela Cruz)

Show comments