Anti-crime czar ni PNoy pinakikilos

MANILA, Philippines - Pinakikilos ni dating Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President Jaro Archbishop Angel Lagdameo ang anti-crime czar at Executive Sec. Paquito Ochoa na kumilos laban sa laganap na krimen na nagaganap sa bansa.

Ayon kay Lagdameo, nababahala na ang publiko para sa kanilang seguridad sa dami ng krimen na nangyayari sa bansa samantalang hindi naman tinutugunan ng  pamahalaan partikular ni Ochoa.

Inihalimbawa ni Lagdameo ang serye ng krimen sa Laguna at pagpatay sa isang negosyante na mismong ang dating spokesman ng PNP-NCRPO ang suspect gayundin ang maraming krimen na kinasasangkutan ng mga otoridad.

Aniya, kailangan na maibalik ng publiko ang ka­ni­lang tiwala sa mga pulis kung kaya’t dapat na kumilos ang mga ito at labanan ang krimen sa bansa.

Ang kaliwa’t kanang krimen sa bansa ay indikasyon aniya ng kawalan ng pakialam o pagiging manhid ng pamahalaan na tugunan ang naturang problema.

Nagpapalala pa dito ay ang pagkakasangkot ng mga awtoridad na mismong tagapagpatupad ng  batas.

Show comments