SC may paalala sa Bar passers

MANILA, Philippines - Pinaalalahanan ng Korte Suprema ang may 1,913 bagong abogado na kinakailangan na munang makakuha at makapagsumite ng clearance mula sa Office of the Bar Confidant (OBC) bago makapag-oath taking sa Pasay City sa Marso 21.

Sa ipinalabas na advisory, kailangan na maglabas ang Bar passer ng clearance sa SC cashier na nagpapatunay na sila ay nagbayad ng P3,000 bar admission fee at P100 certification fee.  

Ang nasabing clearance ay isusumite rin sa Integrated Bar of the Philippines representative na nasa OBC para naman sa pagbabayad ng IBP membership fee (P1,000 annual fee o P13,500 lifetime membership fee) at building fund fee na P200.

Ang Bar passers na nakatoga lamang ang papasukin sa lobby ng plenary hall ng Philippine In­ternational Convention Center (PICC). Pinagbabawal naman ang ca­mera­ at mga commu­nication gadgets sa PICC.

Umaasa naman ang SC na makakapag­lingkod ng maayos at mabuti ang mga bagong abogado sa mga nanga­ngailangan ng hustisya.

Show comments