MANILA, Philippines - Nagtala ang BDO Unibank, Inc. (BDO) ng audited net income na P10.5 bilyon para sa 2011. Ito ay alinsunod sa earnings guidance ng bangko at nangangahulugan ng 19 porsyento na paglago mula sa P8.8 bilyon na kita nuong 2010.
Bagaman naging mabagal ang paglago ng Gross Domestic Product or GDP ng bansa sa 3.7 porsyento, napalawak ng BDO ang loan portfolio nito ng 24 porsyento sa P670.1 bilyon noong 2011 sa pamamagitan ng pagtutok sa mga credit worthy borrowers mula sa mga sektor ng industrIya na mabibilis ang paglago. Hindi lang nalampasan ng Bangko ang 19 porsyento na loan growth ng buong industriya, nagawa pa nito na mapanatiling maayos ang kanilang asset quality. Ang gross non-performing loan (NPL) ratio ng bangko ay lalo namang bumaba sa 3.4 porsyento sa katapusan ng 2011 mula sa 4.7 porsyento na naitala nito nuong 2010. Samantala, tumaas naman ang NPL coverage nito sa 106 porsyento mula sa 92 porsyento habang ang Bangko ay patuloy sa konserbatibong probisyon kasama na dito ang P6.1 bilyon na probisyon na naisantabi para sa taon.
Napanatili ng BDO ang malaking paglago ng low-cost na mga deposito nito patungo sa 10 porsyento na pagtaas ng kabuuang deposito na umabot sa P858.6 bilyon. Habang ang funding mix ng Bangko ay mas napabuti, ang net interest income naman nito ay hindi nagbago dahil na rin sa patuloy na pagbaba ng mga asset yields mula sa kanilang excess system liquidity.