Dalaga nilasing, ni-rape

BULACAN, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng isang 32-anyos na lala­ki matapos madakma ng mga barangay tanod sa kasong pang­hahalay sa kanyang kapitbahay na dalaga sa bayan ng Marilao, Bulacan kahapon ng umaga.

Luhaang dumulog sa himpilan ng pulisya ang biktimang itinago sa pangalang Ramona, 22, upang ireklamo ang suspek na si Marlon Pamplona, 32, ng Mary Grace Subdivision sa Brgy. Sta. Rosa 1.

Sa police report na nakarating kay P/Supt. Gerardo Andaya, naki­pag-inuman ang biktima sa suspek at ilang kalalakihan subalit nang malasing ay nakatulog.

Dito na sinamantala ng suspek na isagawa ang maitim na balak matapos umuwi ang kanyang mga kaibigan.

Hindi na nakapalag ang biktima sa kamanyakan ng suspek matapos tutukan ng patalim.

Show comments