MANILA, Philippines - Nanawagan ang UP ALYANSA sa kanilang kapwa miyembro ng Iskolars Para Sa Bayan na huwag ikampanya ang sinumang kandidato na fratman sa University Student Council (USC) na walang ginagawang hakbang upang sugpuin ang karahasan.
Ayon sa grupo, panahon na para sa pagbabago kung saan ang USC ay dapat na pamunuan ng isang indibiduwal na walang kinaaniban at ang layunin ay matigil na ang fraternity-related violence kung saan namatay ang San Beda student na si Marvin Reglos.
Nais ng grupo na ang USC ay siyang magbibigay ng hustisya sa karapatan at kapakanan ng mga estudyante ng walang kinikilingang grupo.