MANILA, Philippines - Mula buwan ng Marso ng susunod na buwan, ilalagay na ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang mala-Facebook na online legal case monitoring system ng ahensya na may kinalaman sa usapin ng pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka nationwide.
Ayon kay DAR undersecretary for legal affairs Anthony Parungao, layunin ng hakbang na mapabilis ang monitoring at tracking sa mga land disputes na nakasampa sa kanilang tanggapan at sa ibat ibang korte ng bansa at magkaroon ng transparency sa mga kasong may kaugnayan sa problema sa lupa.
User friendly anya ang monitoring system at sa halip na kulay blue gaya ng Facebook, kulay green ang kanilang gagamitin para sa webpage.
May ilalagay din umano silang bar code sa bawat kaso para mapadali ang pagsubaybay ng publiko kung umuusad ang isang kaso sa lupain.