Sali na sa Manila Bay Seasports fest

MANILA, Philippines - Tinatawagan ng Manila Broadcasting Company ang mga nais lumahok sa pagtatanghal ng Manila Bay Seasports Festival ngayong ika-24 ng Marso, na gaganapin sa Manila Ocean Park.

Sa proyektong ito ng MBC at Lungsod ng Maynila, sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard, tampok ang pinaghalong koponan ng mga lalake’t babae sa Dragon Boat Race, at mga batikang bangkero mula sa iba’t ibang bahagi ng kapuluan.

Mahigit kalaha­ting milyong piso ang nakalaang pa-premyo sa mga karera, kung saan matutunghayan ng mga manonood ang kakaibang bilis at lakas ng mga naturingang atletang dagat.

Tig-32 kalahok lamang ang tatanggapin sa stock at formula races ng tinaguriang “bancathon.” Ang mga interesadong sumali ay dapat tumawag agad kay Lida Aquino, sa numerong 832-6175 mula ika-20 ng Pebrero. First-come, first-served ang pagpaparehistro ng mga kalahok.

Ang 2012 Seasports Festival ay suportado ng Smart Communications, Caltex, Gold Eagle Beer, Cecon, M. Lhuillier, Briggs and Stratton at Cord Marine Expoxy.

Show comments