MANILA, Philippines - Isang three-hour concert ang prinodyus ng “Thursday Club”, isang grupo ng mga editors at media practitioners, para sa kapakinabangan ng cancer patients at Philippine Cancer Society.
Ang concert na pinamagatang “Bus Stop: Celebrating the JOY of Living” ay idaraos sa Bahay ng Alumni sa UP Diliman, Quezon City, sa February 23. Tampok ang mga original Pilipino music kings na sina Heber Bartolome at Noel Cabangon bilang lead performers; Willie Nepomuceno, Cookie Chua, Bayang Barrios, Jinky Oda, Renz Verano at Radical Change Band. Susundan ito ng dinner at audio-video presentation ng buhay ng isang journalist. Emcee ang comedian actor na sina Leo Martinez at radio anchorman Gani Oro.
Isponsor ng concert ang Maynilad, Metro Pacific, Meralco, PLDT, Philix Mining, Smart 70s Bistro and Conspiracy Garden Cafe.
Gayundin ang Globe, Bangko Sentral ng Pilipinas, Petron, Tanduay Standard Insurance Inc., Malungai Life Oil, at San Miguel Corp.
Ang tiket ay nagkakahalaga ng P2,000. Para sa detalye, tumawag kay Nick: 09282615826 at Kisses and Jel: +632 2964792.