Biyuda bagong milyonarya ng lotto

MANILA, Philippines - Isang biyuda na mananaya ng lotto ang umuwi kahapon na milyonaryo makaraang kubrahin sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstake’s Office (PCSO) sa Pasay City ang higit sa P37 milyong napanalunan nito sa 6/49 lotto.

Personal na iniabot ni PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas II sa 61-anyos na biyuda na tubong Iloilo ang tsekeng nagkakahalaga ng P37,378,981.80 na kalahati ng kabuuang jackpot prize na P74,757.963.60 matapos tamaan ang kumbinasyong 28-25-12-07-03-14 na binola noong Pebrero 9.

Ikinuwento ng bagong milyonaryo na 17-taon na siyang paudlut-udlot na tumataya sa lotto.

Hindi pa naman kinukubra ng isa pang nagwagi ang kalahati ng premyo hanggang kahapon.   

Show comments