MANILA, Philippines - Nagbigay ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng paunang P120,000 financial assistance sa mga biktima ng 6.9 magnitude na lindol na tumama sa Negros Occidental nitong Lunes na nagdulot ng pagkamatay at pagkasugat ng maraming residente at pinsala na umaabot na sa halos P300 million.
Ibinigay ang naturang tulong pinansyal sa Guihulngan District Hospital upang bigyang tulong medikal ang nasa 70 katao na naka-confine dito. Gagamitin ang naturang halaga sa pagbili ng mga gamot, inuming tubig, at iba pang medikal na pangangailangan.
Una nang nagbigay ng P2 milyong tulong pinansyal ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at nagpalabas naman ng P5.7 milyon naman ang Malacañang habang nagpalabas na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng P2.5 milyon.
Ipinagmalaki rin naman ng PCSO ang pagpapalabas nila ng P805,825 tulong pinansyal sa mga biktima ng bumagsak na eroplano sa Parañaque City noong Disyembre 10, 2011 at P8.5 milyon sa mga biktima naman ng bagyong Sendong sa Cagayan de Oro at Iligan City.