PAL officials ipapatawag ng prosec sa impeachment

MANILA, Philippines - Gustong ipatawag ng House prosecution panel ang mga opisyal ng Phi­lippine Airlines upang tumestigo sa alegasyong tu­manggap ng pabor ang mag-asawang Corona mula sa naturang kumpanya para sa kanilang biyahe sa loob at labas ng bansa.

Nais ilabas ng pro­sekus­yon na nakatanggap si Corona at kanyang misis na si Cristina ng pribi­lehiyo sa PAL na mayroong nakabinbing kaso sa Korte Suprema.

Ipinatatawag ng pro­sekusyon sina Enrique Ja­vier, vice president for sales at Risa Carrion Domingo, vice president for product loyalty and marketing.

Ipinapatawag din sina Atty. Enriqueta Vidal, clerk of court ng SC at Atty. Felipa Anama, de­puty clerk ng court en banc, para dalhin ang mga dokumento kaugnay ng kaso ng Flight Attendants and Stewards Association of the Philippines at ang sulat ni Atty. Estelito Mendoza na nagpabago sa desisyon ng SC.

Nanalo ang FASAP sa kasong isinampa nito sa PAL subalit binaliktad ng SC ang desisyon nito noong nakaraang taon matapos na sumulat si Mendoza. (Butch Quejada/Gemma Garcia/Malou Escudero)

Show comments