MANILA, Philippines - Binigyang-diin ng hepe ng legal division ng Optical Media Board (OMB) na tanging ang mga gumagawa at nagbebenta ng pirated copies ng copyrighted materials tulad ng video at audio discs ang pwedeng parusahan sa ilalim ng anti-piracy law ng bansa.
Ayon kay Atty. Cocoy Padilla, ang mga bumibili lang o nagmamay-ari ng pirated DVDs at CDs ay hindi saklaw ng mga penalty sa ilalim ng Republic Act 9230, kilala sa tawag na Optical Media Act of 2003.
“Ang pagbili ng [pirated] DVD na hindi ginagamit para sa commercial activity, eh wala pong liability sa batas ng optical media,” wika ni Padilla sa isang television interview. “Hindi napaparusahan ang nakikitaan ng pirated [DVD]sa kanilang person, kung ito’y di ginagamit sa kanilang pagbenta,” anya.
Idinagdag pa ng anti-piracy lawyer na: “Kung mere possession, walang parusa. Yun po ang nakalagay sa batas. Puwede lang naman kaming kumilos hanggang sa binigay ng batas sa amin na kapangyarihan.”
Samantala, sinabi ni Secretary Herminio Coloma na ang posisyon ni Pangulong Aquino sa isyu ay mas malalaking problema ang bansa na dapat niyang harapin. Matatandaang nakunan ng larawan si Presidential Political Adviser Ronald Llamas na bumibili ng pirated DVD copies sa isang mall sa Quezon City.
“I do NOT believe in that anti piracy law...! It is anti poor! The imitations and copies make the items available for the poor... I know that llamas can afford... but the price of the originals is a real highway robbery. If items are price modestly, people would prefer the originals... NO need of that anti piracy law...” pahayag naman ni Fr. Jun Mercado sa kanyang Facebook bilang reaksyon.