Rep. Iggy pumanaw na

MANILA, Philippines - Pumanaw na si Neg­ros Occidental Rep. Ignacio “Iggy” Arroyo matapos itong ma-cardiac arrest habang inooperahan dahil sa sakit na liver cirr­hosis.

Kinumpirma ng ka­patid nito na si dating First Gentleman Mike Arroyo na binawian na ng buhay si Iggy sa London.

Bandang tanghali ng alisin ang life support ng mga doktor kay Iggy. Bago ito idineklara munang “brain dead” ang kongresista.

Si Iggy ay nagtungo sa nasabing bansa noong nakaraang taon upang magpagamot dahil sa liver cirrhosis.

Kaagad namang nagpahatid ng pakikiramay sa pamilya Arroyo sina House Majority lea­der at Mandaluyong Rep. Boyet Gonzales at Mino­rity Leader Danilo Suarez samantalang inilagay na rin sa half-mast ang bandila sa Kamara.

Nakatakdang iuwi sa bansa ang bangkay ng Kongresista subalit wala pang tiyak na petsa kung kailan.

Show comments