2 Pinay patay sa nag-collapse na bldg. sa Lebanon

MANILA, Philippines - Dalawang Pinay ang kumpirmadong patay habang isa pang kasamang OFW ang nawawala matapos na gumuho ang isang gusali sa Beirut, Lebanon kamakalawa.

Sa report na tinanggap sa Embahada ng Pilipinas sa Beirut, ang tatlong Pinay ay dumadalo umano sa prayer vigil nang gumuho ang 5-storey building sa Ashrafieh District sa Beirut.

Hindi muna inihayag ang mga pangalan ng tatlong Pinay habang ipinaaabot sa kanilang pamil­ya ang insidente

Ayon kay Foreign Affairs spokesperson Raul Hernandez, inaayos na ng Embahada ang pagpapauwi sa mga labi ng dalawang Pinay habang nagsasagawa pa ng search and rescue operations ang Lebanese authorities upang mahanap ang mga posibleng survivors at ibang nawawalang mga biktima kasama ang isa pang Pinay.

Kahapon ay umaabot na sa 26 katao ang patay. 

Show comments