Toga sa impeachment trial ni Corona papalitan

MANILA, Philippines - Hindi pa man pormal na nagsisimula ang trabaho ng impeachment court, plano na ng mga senador na uupong mga judges sa impeachment trial na palitan ang mga gagamitin nilang judicial robes o toga.

Ayon kay Atty. Valentina Cruz, spokesperson ng impeachment court, hindi gusto ng  ilan sa mga senador ang toga na gagamitin nila sa trial ni Supreme Court chief Justice Renato Corona.

Isang beses pa lamang naisuot ng mga senador ang nasabing toga noong manumpa sila bilang mga senator-judge.

“Some of them didn’t like the old robes...so new robes have been ordered for them,” sabi ni Cruz.

Ayon kay Cruz, ayaw ng ilan sa mga senador ang kulay pulang judicial robes kaya papalitan na lamang ang mga ito.

Hindi naman binanggit ni Cruz kung magkano ang magagastos ng Senado para sa mga bagong bibilhing judicial robes. Pero tiniyak ni Cruz na maliit lamang ang magagastos para sa pagbili ng mga bagong toga ng mga senador.  

 

Show comments