Shooting ng 'Bourne' magpo-promote sa Pinas

MANILA, Philippines - Inatasan ng Palasyo ang lahat ng ahensiya ng gobyerno na maging cooperative sa producers ng Bourne Legacy dahil malaki ang maitutulong ng Holywood film na ito upang makilala ang bansa.

Sinabi ni Deputy Pre­sidential Spokesperson Abigail Valte, dito sa Pi­lipinas ang shooting ng Bourne Legacy at nakalagay sa script na ang bida ay talagang pupunta sa Pinas.

Aniya, malaking pag­ka­kataon ito upang ma­ipromote na rin ang Pilipinas sa pamamagitan ng Holywood film na ito.

Idinagdag pa ni Valte na sa ibang foreign film ay nag-shooting dito sa Pi­lipinas pero lumitaw na hindi naman dito sa bansa ang lokasyon hindi tulad ng Bourne Legacy na na­ kalagay sa script na pupunta talaga sa Pilipinas ang bida.

Show comments