Cao sinibak sa POEA

MANILA, Philippines - Sinibak sa puwesto si Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Carlos Cao Jr.

Sinasabing bahagi ng pagbalasa ng Palasyo ng Malakanyang sa ibat-ibang tanggapan ng pamahalaan ang pagkakapatalsik kay Cao.

Simula sa Lunes ay si Deputy Administrator Hans Cacdac na ang bagong Administrator ng POEA.

Si Cacdac ay una ng nagsilbi bilang International Convention on Domestic Workers sa Geneva, Switzerland, isang magaling na abogado at multi-awarded writer na nagsilbi rin bilang coordinator for the Urban Poor Unity.

Si Rebecca Chato na dating head ng DOLE-Bureau of Labor Relation ang hahalili sa puwesto ni Cacdac.

Ayon kay Cao, sinabihan siya ng isang mataas na opisyal ng DOLE na papalitan na siya sa puwesto.

Show comments