CAVITE, Philippines -- Agaw buhay ngayon sa ospital ang isang obrero matapos tarakan ito sa dibidb makaraang mairita ang kapitbahay dahil sa sobrang lakas magpatugtog ng radio sa Barangay FVR, General Mariano Alvarez, Cavite, kahapon ng madaling araw.
Sa nakuhang impormasyon sa tanggapan ni Cavite Provincial Director Sr. Supt. Jhon Bulalacao, ang biktima ay nakilalang si Tomas Gan, 39, construction worker at residente ng Phase 3 Block 6 Lot 8 Barangay Family Village Resources nasabing bayan.
Mabilis namang nakatakas ang suspek na nakilala lamang sa alyas Bata, 20 anyos, tinapa vendor at kapitbahay ng biktima.
Batay sa imbestigasyon ni PO1 Bobbie Balazo, may hawak ng kaso, alas-2 ng madaling araw ng magulantang sa pagkakatulog ang suspek ng marinig ang malakas na pagpapatugtog ng biktima.
Galit na galit itong lumabas ng bahay at sinabihan ang biktima na hinaan ang radyo nito su balit nagalit din ang biktima at nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa.
Lingid sa kaalaman ng biktima ay may dalang patalim ang suspek at inundayan ito ng saksak sa dibdib bago mabilis na tumakbo papalayo sa lugar ng pinangyarihan tangay ang kutsilyong ginamit.