Star Group nag-fund drive kay 'Sendong'

MANILA, Philippines - Patuloy ang fund drive ng Star Group of Companies para sa mga nasalanta ng bagyong Sendong na ang donasyon na nalikom kahapon ay P157,000 at umabot na sa total na P712,000.

Ayon sa Star presi­dent at CEO na si Mr. Miguel Belmonte, ang mga do­nasyon ay gagamitin para sa rehabilitasyon ng mga napinsalang lugar sa Mindanao at Visayas. Kabilang na rin dito ang medical assistance sa mga nasugatan.

Nagpapasalamat ang Operation Damayan, ang philanthropic arm ng Star Group of Companies, para sa mga tulong pinansiyal na dumating kahapon mula sa mga personal na donasyon hanggang sa mga ipinaabot ng kumpanya tulad ng Wico Philippines, P50,000; Eddie Hao, P25,000; Grafika Enterprises, P20,000; Anony­mous (K.L.), P20,000; Alexis, Joan Regie, Teresa and Jose Rafael Lavilla, P10,000; Rotary Club of Ozamiz North, P10,000; To God Alone Be The Glory (Anonymous), P10,000; Nida Constantino, P5,000; Pastor Medardo Maninang, P5,000; at Grace Laurel, P2,000.

Nagbigay ang The Philippine STAR ng P200,000; Pilipino Star Ngayon, P100,000, Pilipino Star Printing, P100,000; Mr. Belmonte, P100,000; Va­nessa Estavillo, P20,000; Laughter Yoga Club Philippines, P10,000; TGFHA-LV, P20,000; at Linda’s Lechon Cebu, P5,000.

Patuloy pa rin ang pa­nawagan ng Star sa mga mabubuting organisasyon at indibidwal na mag-donasyon sa “Sendong fund drive” na nakikipagtulungan sa mahigit 700 offices sa 26 bansa sa buong mundo ng i-Remit para sa mga Pilipinong nasa abroad na gustong magpaabot ng cash donations.

“We are aware that other kindhearted organizations and individuals are already providing relief at this time. Our efforts and assistance will focus on rehabilitation and rebuilding, especially the homes of our countrymen affected by the disaster,” sabi ni Mr. Belmonte na pinamumunuan din ang Operation Damayan.

Ang mga local donors naman ay maaaring mag-deposit sa The Philippine Star Operation Damayan c/o MBTC Aduana Branch Savings Account No. 151-304-161622-9. Paki-fax ang deposit slip sa 301-9598 (c/o Operation Damayan).

Para sa detalye, tawagan ang mga Damayan coordinators sa 527-7901.

Show comments