HDO vs Palparan hirit sa DOJ

MANILA, Philippines - Nanawagan sa Department of Justice ang non-governmental group na Karapatan para agarang magpalabas ng hold departure order laban kay retired General Jovito Palparan.

Kasunod ito ng resolusyon ng DOJ na sampahan ng kasong kidnapping at serious illegal detention si Palparan dahil sa umano’y pagdukot sa UP students na sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeno kamakailan.

Ayon sa Karapatan, hindi dapat hayaan ng DOJ na makalabas ng bansa si Palparan dahil panahon na para pagbayarin ito sa mahabang listahan ng krimen ng extra judicial killings.

Si Palparan ang tinaguriang berdugo ng mga aktibista noong panahon ng Arroyo administration.  

Show comments