PNoy magpapalaya ng preso sa Pasko

MANILA, Philippines - Siniguro kahapon ng Malacañang na mayroong mapapalayang preso si Pangulong Aquino nga­yong Kapaskuhan.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, mayroon nang inirekomenda kay Pangu­long Aquino ang Board of Pardons and Parole at ka­salukuyang pinag-aaralang mabuti ito ng chief executive.

Wika ni Lacierda, hintayin na lamang ang mismong announcement ng Pangulo kung sino-sino ang bibigyan niya ng pardon at parole ngayong Kapaskuhan.

Show comments