MANILA, Philippines - ?Pinababantayan ni Balanga Bishop Ruperto Santos sa mga mamamayang Pilipino ang mahigit sa P1.8 trillion national budget para sa susunod na taon upang hindi ito maibulsa ng mga tiwaling pinuno sa gobyerno.
Ang apela ay ginawa ni Santos matapos ratipikahan ng Senado ang naturang pondo kung saan hinihintay lamang ang lagda ni Pangulong Aquino.?
Ayon kay Santos, ang naturang pondo ay mula sa kaban ng bayan kung kaya’t dapat gamitin ito ng maayos at huwag sayangin sa ?pamamagitan ng pagkakaloob ng mga programang pakikinabangan ng mga mahihirap lalo na sa edukasyon at poverty alleviation.?
Hinimok rin ng Obispo ang publiko na tutulan ang paglalaan ng pamahalaan ng malaking pondo para ipambili ng contraceptives na hindi naman kailangan ng mga tao.
Sa halip na pills o condom, mas mabuting gamitin na lamang ang pondo sa pagpapaunlad ng serbisyong medical lalo na sa mga government hospital sa mga kanayunan.