MANILA, Philippines - Tumataas pa rin ang bilang ng mga kabataan na hindi nakakapasok sa mga paaralan sa kabila ng bilyun-bilyong pinamigay na pera ng Conditional Cash Transfer (CCT) sa mga mahihirap.
Ayon kay Sen. Manuel Villar Jr., sa talaan ng 2010 Annual Poverty Indicators Survey (APIS) ng National Statistics Office (NSO), na 6.24 milyon mula sa 39 milyong Filipino na may edad 6 hanggang 24 ang out of school youth (OSY) di hamak na mas mataas kumpara sa 4.84 OSYs noong 2002.
Sa 6.24 milyong hindi na pumapasok sa eskuwelahan, 28.9 percent o 1.8 milyon ang nagbigay ng rason na masyadong mataas ang gastos sa pag-aaral, 27.5 percent o 1.7 milyon naman ang nagsabing tamad na silang mag-aral habang ang iba ay tumigil sa pag-aaral para makatulong
sa kanilang pamilya at ang iba ay tumigil dahil sa gulo sa kanilang lugar tulad sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).