MANILA, Philippines - Tatlong miyembro ng Gabinete ni Pangulong Aquino ang sinasabing apektado ng isasagawang balasahan sa Malacañang.
Ayon sa mapagkakatiwalaang source sa Palasyo, kabilang sa mga maaapektuhan daw ng ‘rigodon’ sina Presidential Peace Adviser Teresita Deles, Presidential Political Adviser Ronald Llamas at Presidential Communications Development and Strategic Planning Office Sec. Ricky Carandang.
Sinabi ng source, si Sec. Carandang ay ililipat upang pamunuan ang bagong NBN 4 na nireformat para palakasin ang nasabing government tv station at maging competitive ito sa ibang commercial networks.
Wala namang sinabi ang impormante kung saan ilalagay sina Deles at Llamas at kung sino ang ipapalit dito ng Pangulo.
Samantala, naunang sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na wala naman silang nakukuhang kautusan mula kay Pangulo ukol sa sinasabing ‘revamp’ sa Gabinete.