MANILA, Philippines - Umiiral ngayon ang news blockout sa Land Transportation Office (LTO) makaraang magpalabas ng abiso ang ahensiya na kung nais ng media na mag-interview dito ay dapat kay DOTC Secretary Mar Roxas na lamang makipag- ugnayan.
Ito ang sinabi ni Ms. Menelia Mortel, chief executive assistant ng LTO, dahil hindi na makikipag-usap sa media si LTO Chief Virginia Torres dahil sa order ni Sec. Roxas.
Kasabay nito, ipinaalis na ni Assec Torres sa General Services Division ng LTO ang linya ng kuryente sa LTO Media Center dahilan para wala nang makagawa ng balita ang mga mediamen na nagko-cover sa naturang ahensiya.
Kinuwestyon din ng naturang grupo kung bakit pinag-iinitan ni Torres ang mga media gayung maraming mga usapin ang dapat nitong pagtuunan ng pansin tulad ng napapaulat sa telebisyon na kaanak daw nito ang sinasabing nagrehistro sa mga nawawalang sasakyan sa Subic Zambales.
Hinimok din ng mga mediamen si Torres na tularan nito ang pamunuan ng LTFRB.