Arraignment kina Mikey, misis sa 2012 na

MANILA, Philippines - Sa Enero 2012 na ang pagbasa ng sakdal kina Ang Galing Pinoy Party­list Rep. Mikey Arroyo at kanyang misis na si Angela kaugnay ng kasong tax evasion ng mga ito.

Takdang basahan sana kahapon ng sakdal ang mag-asawa sa sala ni QC Regional Trial Branch 100 Presiding Judge Marie Christine Jacob pero nagsampa ang mga ito ng mosyon para maipagpa­liban ang pagbusisi sa kaso na pinagbigyan naman ng korte.

Hiniling ni Arroyo sa pamamagitan ng kanyang abogadong si Atty. Ruy Rondain na ipagpaliban muna ang arraigment sa kanilang mag-asawa at payagan sila na makapunta sa US mula Nobyembre 14 hanggang Disyembre 7, 2011 para sa isang semi-official business.

Show comments