MANILA, Philippines - Pinangunahan ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang training conference para sa mga kabataang taga -lungsod sa pakikipagtulungan ng Ateneo School of Government.
Layunin ng programang ito na mabigyan ng higit na kaalaman ang mga kabataan tungkol sa ilang mga proyekto at negosyo na maaaring makatulong sa kanilang pamilya at sa komunidad partikular sa mga college scholars at youth leaders na nais magkaroon ng kaalaman sa pagnenegosyo at development works.
Sa ilalim ng proyektong ito, ang Ateneo School of Government ay maglalaan ng lecture materials, training kits, speakers at facilitators gayundin ng pagkain sa training program, samantalang ang Vice Mayors Office ang siyang makikipag-ugnayan sa posibleng mga participants, logistic requirements tulad ng lugar o classroom, computer, LCD projector na kailangan sa pagsasanay.
Ang mga makakatapos sa training seminar ay tatanggap ng certificate of completion mula sa Ateneo School of Government.