'Di pwedeng harangin ng Immigration

MANILA, Philippines - Nilinaw kahapon ni Immigration Commissioner Ricardo David Jr. na ‘tali pa ang kanilang kamay’ kaya hindi puwedeng harangin ang paglabas ng bansa ni Ramona Bautista.

Ito’y kasunod ng inilatag na imbestigasyon sa Manila International Airport Authority at pagbusisi sa nairekord na kuha mula sa security cameras bago pa tulu­yang sumakay sa Cathay Pacific patungong Hong Kong si Ramona, kapatid ng napatay na si Ramgen, at half-sister naman ni Sen. Bong Revilla.

Idinepensa ni David ang immigration officers na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport, sa pagsasabing wala silang hawak na batayan o dokumento para hindi payagan ang pag-alis ni Ramona.

“Pending the issuance of a hold departure order or a watchlist order, we have no authority to prevent her from leaving the country,” ani David.

Binigyang-diin naman ni BI Spokes­person Maria Antonette Bucasas-Mangrobang na sa ilalim ng batas, ang isang respondent o suspect sa isang kasong kriminal ay hindi ma­ aring pigilang lumabas ng bansa hanggat wala pang iniisyung hold departure order o watchlist order na iniutos ng korte o ng Department of Justice.

Show comments