MANILA, Philippines - Ikinalungkot ng Malacañang ang naganap na karahasan sa piketlayn ng nagwewelgang miyembro ng PALEA kung saan ay 7 miyembro nito ang nasugatan noong Oct. 29.
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, patuloy na binabantayan ng Palasyo ang sitwasyon sa pamamamagitan ni Labor Sec. Erlinda Baldoz.
Pinayuhan din ng Palasyo ang PAL management at PALEA na manatiling mahinahon at resolbahin ang kanilang sigalot sa pamamagitan ng pag-uusap upang maiwasan ang karahasan.
Inakusahan ng PALEA na mga gwardya ng PAL management ang sumugod sa kanilang picket line pero mariing itinanggi naman ito ng management ng flag carrier.
Inaasahan naman ng Palasyo na magsasagawa ng parehas at walang kinikilingang imbestigasyon ang DOLE sa naganap na karahasan sa piketlayn ng mga PALEA members.