3 Abu todas sa bakbakan

MANILA, Philippines - Napaslang ang tatlong bandidong Abu Sayyaf matapos makipagsagupaan sa tropa ng militar sa kagubatan ng Mt. Tukay, Barangay Karawan sa bayan ng Indanan Sulu kahapon ng umaga.

Sa ulat ni P/Chief Supt. Buenvenido Latag, regional director for the Autonomous Region in Muslim Min­danao (ARMM), naganap ang engkuwentro bandang alas-6:30 ng umaga.

Kung saan sinagupa ng militar na may backup na tatlong Philippine Air Force OV-10 Bronco ang grupo nina Akmadul Jumdail, alyas Doc. Abu, JI Marwan, JI Mauwiyah.

Narekober naman ang tatlong bangkay ng Abu Sayyaf, dalawang M-16 Armalite Rifles, M14 rifle at isang cal. 45 pistol.

Habang sinusulat ang balitang ito ay patuloy pa rin ang bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at grupo ng bandido. 

Show comments