MANILA, Philippines - Buo pa rin ang pagtitiwala ni Pangulong Benigno Aquino III kay Presidential Peace Adviser Teresita Deles.
Ito ang tiniyak ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte sa panayaw ng DzRB kahapon sa gitna ng mga pagbatikos kay Deles.
“President Aquino is not giving any indiciations that he is unhappy with Sec. Deles,” wika pa ni Valte.
Ilang mambabatas ang nananawagan para sa pagbibitiw ni Deles bilang pinuno ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP).
Inamin ni Deles na siya ang nagpayo sa Pangulong Aquino na ibigay ang P5 milyon na naipangako ng nakaraang administrasyon bilang tulong sa Bangsamoro Management Leadership Institute (BLMI).