Ombudsman, naglustay ng pondo noong 2010 - COA

MANILA, Philippines - Naglustay ng mala­king halaga ng pondo ang tanggapan ng Ombudsman  noong nagdaang taong 2010.

Batay sa ulat ng Commission on Audit (COA),  ang Ombudsman ang nag-apruba sa P4.25 milyong pondo para sa pagbili ng mga sasakyan pero ang  actual acquisitions  ay dobleng malaki na uma­bot sa  P10,813,500.

Kaugnay nito, ang Ombudsman ay naglaan ng P56,329.60 pondo para sa mga libro at  periodicals pero nang magkaroon nito ay umabot sa mahigit 6 na beses ang presyo nito o umabot sa  P355,880.96.

Ang pagbili naman ng medical at dental supplies kasama ang mga pambakuna ay uma­bot sa 500 percent o  P4.99 milyon kumpara sa  P1.04 milyon na nailaan dito ng ahensiya.

Umaabot naman ang yearend expenses ng Ombudsman para sa  supplies sa mga proyekto at special events sa halagang P1.08 milyon , may 19 na laki sa nailaang pondo dito na umaabot lamang sa  P56,014.

Ayon pa sa COA, ang sobrang laking gastos ng Ombudsman ay isang paglabag sa Section 7.1 ng Republic Act 9184 (Government Procurement Reform Act).

Show comments