MANILA, Philippines - Patuloy na nagbabanta ang bagyong Ramon sa Surigao del Sur.
Alas-11 ng umaga kahapon, namataan ng PAGASA si Ramon sa layong 245 kilometro silangan ng Hinatuan Surigao del Sur taglay ang lakas ng hanging 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna.
Si Ramon ay kumikilos pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 17 kilometro bawat oras.
Bunsod nito, 18 lalawigan ang isinailalim sa signal number 1: Eastern Samar, Western Samar, Leyte Provinces, Bohol, Biliran, Camotes Island, Northern Cebu, Northern Negros, Northern Iloilo, Capiz, Masbate, Ticao Island, Surigao Del Norte, Siargao Island, Surigao Del Sur, Agusan Del Norte, Dinagat Island at Camiguin Island.
Ngayong Miyerkoles, si Ramon ay inaasahang nasa layong 30 kilometro hilaga ng Surigao City at nasa layong 30 kilometro timog ng Romblon sa Huwebes ng umaga.