MANILA, Philippines - Malulutas na ang problema ng Caloocan City Police sa utang nito sa Maynilad Water Services, Inc. (MWSI) matapos siguruhin ni Mayor Enrico “Recom” Echiverri na aakuin na nito ang pagbabayad sa kanilang mga hindi nabayarang water bills.
Ayon kay Echiverri, ang pag-aako nito sa bayarin ng lokal na pulisya ay isang tulong upang hindi na mahirapan ang kapulisan sa pagbayad sa kanilang mga utang sa bills sa tubig na hindi nababayaran.
Aniya, isang paraan din ito upang makatulong sa Philippine National Police (PNP) na mabawasan ang suliranin sa mga gastusin sa kanilang pang-araw-araw na operasyon para lamang mapanatili ang katahimikan sa bawat sulok ng bansa.
Lumalabas na mahigit sa 700 libong piso ang utang ng Caloocan City Police sa MWSI at kaya din ito umabot sa naturang halaga ay halos limang taon na ring hindi nakapagbabayad ang lokal na pulisya sa bayarin sa tubig.