'Ukay-ukay' bubuwisan

MANILA, Philippines - Upang maprotektahan ang local textile manufacturers at madagdagan ng kita ang gobyerno, isinusulong sa Kamara ang paglalagay ng buwis sa mga damit na mula sa ukay-ukay.

Inihain ni Mindoro Oriental Rep. Reynaldo Umali ang House bill 5188 bunsod na rin sa pagkalat ng ukay-ukay sa kabila ng mga batas na nagbabawal sa commercial importation at pagbebenta ng used clothing o relief clothes sa murang halaga sa mga “ukay-ukay.”

Tinukoy ni Umali ang Re­public Act 4653 kung saan ipinagbabawal ang commercial importation ng textile articles na kilala bilang used clothing and rags dahil sa isyu ng “sanitary and hygienic concerns.”

Nakakaapekto rin uma­no ang “ukay-ukay” sa lo­cal garments industry ng bansa.

Nakapaloob sa section 3 ng panukala na bubuwisan ang mga commercial importation of used clothing na katumbas ng 30% ng  total value ng produkto.

Ang “used clothing” ay yaong mga second-hand apparel, materials, merchandise o iba pang kahalintulad na gamit tulad ng damit, clothing accessories; traveling rugs and blankets; household linen at furnishing articles of textile materials at mga sapatos at headgear.

Niliwanag pa ng mam­ba­batas na nakapaloob sa batas na ang importasyon ng used clothing na walang buwis ay para lamang ipa­ma­hagi sa mga biktima ng natural calamities and disasters dala ng bagyo, pagbaha, lindol, pagsabog bulkan, gutom, at iba pang sakuna.

Ang sinumang importer o consignee na lalabag dito ay maaaring makulong ng hanggang habangbuhay at pagmumultahin ng P2-3 milyon sa kabiguang makapagbayad ng buwis.

Show comments