Shalani ikakasal na?

MANILA, Philippines - Kinumpirma kahapon ni Agriculture Assistant Secretary Berna Romulo Puyat na niregaluhan ng kaniyang kapatid na si Pasig City Rep. Roman Romulo ng diamond ring si Valenzuela Councilor Shalani Soledad.

Sa isang panayam sa Kamara, sinabi ni Berna- Romulo na naipakilala na rin ng kongresista si Shalani sa mga magulang at miyembro ng pamilya sa isang dinner dalawang linggo na ang nakalilipas.

Idinagdag pa nito na botong-boto umano ang kaniyang mga magulang sa sikat na konsehala.

Hindi naman masabi ni Asec. Romulo kung ang ibinigay ng kapatid nito kay Shalani ay engagement ring subalit halos araw-araw umanong magkasama ang dalawa at seryoso naman ang kaniyang kapatid sa panunuyo sa konsehala.

Si Shalani ay ang da­­ting kasintahan ni Pa­ngulong Noynoy Aquino.

Show comments